Nanawagan Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa gobyerno na hikayatin ang lahat ng Navies ng ibang bansa na magsagawa ng Freedom of Operations sa West Philippines Sea.
Ayon kay Carpio, naitataguyod nito ang arbitral ruling na napanalunan ng Pilpinas laban sa China.
Ipinunto ng mahistrado ang sobrang pag-aangkin ng China, pagiging hindi patas, paglabag nito sa International Law, at pagharang nito sa iba pang dahuyang barko sa karagatan.
Una nang idineklara ng US, France, UK, Japan at Australia na ang Freedom of Navigation, Overflight at iba pang batas sa South China Sea dapat itinataguyod.
Facebook Comments