FREEDOM OF THE PRESS | Minority senators, umapela sa administrasyong Duterte na hayaan ang media na gawin ang trabaho nito

Manila, Philippines – Nanawagan ang mga opposition senators sa palasyo na iwasan ang pag-harass sa mga mamamahayag na kritiko ng administasyon tulad ng ginawa nitong pagbabawal sa reporter ng Rappler na makapasok sa Malakanyang complex.

Ayon kay Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan, dahil sa ginagawa ng Palasyo, ay bumabalik ang madilim na alaala ng Martial Law kung kailan binusalan ang media at pinigilan ang malayang pamamahayag.

Pakiusap naman ni LP Senator Bam Aquino, itigil na ang pananakot sa mga hindi sumasang-ayon sa administrasyon.


Mariin namang kinondena ni Senator Antonio Trillanes IV ang nasabing aksyon ng palasyo na aniya’y malinaw na paglabag konstitusyon na nagkakaloob ng kalayaan sa pamamahayag.

Facebook Comments