Patuloy na naka-monitor ang ilang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa paligid ng mga freedom park sa Lungsod ng Maynila.
Partikular na tinututukan ang bahagi ng Liwasang Bonifacio kung saan dito inaasahang magkakasa ng kilos protesta ang ilang militanteng grupo.
Bukod diyan, dito rin sa Liwasang Bonifacio magtitipon-tipon ang mga taga-suporta ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kaya’t todo bantay ang mga tauhan ng MPD sa nasabing parke upang maiwasan ang posibleng salpukan sa pagitan ng mga anti at pro-Marcos.
Nanawagan naman si MPD Spokesperson Police Maj. Philipp Ines sa mga magkikilos-protesta na sumunod sana sa mga patakaran upang maiwasan ang kaguluhan.
Sa kasaluluyan, pawang mga pro-Marcos pa lamang ang nananatili sa Liwasang Bonifacio kung saan mamayang alas-9:00 ng umaga naman magtutungo dito ang militanteng grupo na Bagong Alyansang Makabayan.