Pasado sa second reading sa makara ang panukalang batas na House Bill 6718 o The Freelance Workers Protection Bill ni 4th District Representative De Venecia.
Matatandaan na isinusulong din ng kongresista ang Creative Industry ng hindi lamang sa lalawigan ng Pangasinan ngunit maging buong bansa ikinampyong batas na RA 11904 o ang Philippines Creative Industries Development Act ni Cong. De Venecia na magtataguyod at magpapatibay ng mahusay ng kapakanan at benepisyo ng mga itinuturing na creative artist ng lalawigan.
Ang House Bill 6718 o The Freelance Workers Protection Bill naman na patuloy na ikinakampyon sa kamara ay naglalayong maitaguyod ang ang karapatan ng mga freelance workers sa bansa gayundin ang pagkakaroon ng tama at sapat na benepisyo mula sa kaukulang ahensya ng gobyerno.
Saklaw ng nasabing bill ay ang pagbibigay mandato na dapat magkaroon ng nakasulat na kontrata, paunang bayad na 30%, at hazard pay at night shift differential para sa ating mga freelancers. |ifmnews
Facebook Comments