Freelancer, Huli sa Pagbebenta ng Galong-Galong Alcohol

*Cauayan City, Isabela*- Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang isang free lancer matapos magbenta ng sobra sa presyo ng alcohol bandang 2:50 ng hapon kanina sa kahabaan ng College Ave., Caritan Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Froilan Perez, 29 anyos, binate at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay PCAPT. Isabelita Gano, tagapagsalita ng PNP Tuguegarao City, naglatag ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta ng pagkakaaresto sa suspek matapos magbenta ng galong-galong alcohol na wala sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP).


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagpanggap na poseur buyer ang isnag operatiba upang makipagtransaksyon sa suspek hanggang sa inabot na dito ang pera na nagkakahalaga na P1,500.00 kapalit ng dalawang gallon ng ibinebentang alcohol.

Maliban dito, nakumpiska din sa suspek ang walumpu’t siyam (89) na galon ng Anti-Virus Alcohol.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 11469 (Bayanihan Heal as One Act) at RA 7581 (Price Act).

Facebook Comments