Freelancer na Top 2 sa Ipinagbabawal na Droga, Arestado

64

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang freelancer na Top 2 sa Drug Watchlist ng pulisya matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Sto. Domingo, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Robin Logan, 39 anyos, walang asawa at residente sa nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Echague, dinakip si Logan matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Bonifacio Ong ng RTC Br.24 Echague Isabela para sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P200,000.00.

Nananatili pa rinj sa kustodiya ng pulisya si Logan para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments