Freeze order sa mga ari-arian ng suspected drug lord na si dating Ozamis City Vice Mayor Nova Princess Parojinog, isinilbi ng PDEA, AMLC at PNP

Ipinatupad na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang freeze order sa lahat ng mga ari-arian ni dating Ozamis City Vice Mayor Nova Princess Parojinog bilang pagtalima sa kautusan ng korte.

Naging katuwang dito ng PDEA ang Anti-Money Laundering Council at Philippine National Police.

Kasunod ito ng inilabas na freeze order ng Regional Trial Court of Manila, Branch 37 laban sa mga pag-aari ni Parojinog matapos itong hilingin ng state prosecutor.


Kabilang sa mga tinukoy na ari-arian ng dating alkalde ay ang bahay nito sa Golden Glow Village North 2 subdivision, Upper Carmen, Cagayan de Oro City.

Hindi na rin pwede galawin ng sinumang kamag-anak, kaibigan o malalapit sa dating bise alkalde ang mga asset at pera nito sa banko na pinaniniwalaan na kinita mula sa illegal drugs.

Facebook Comments