Freeze order sa mga ari-arian nina pastor Apollo Quiboloy at ng SMNI, malaking hakbang para sa pagkamit ng hustisya -DOJ

Nagpasalamat ang Department of Justice (DOJ) sa (CA) Court of Appeals matapos ipag-utos ang freeze order sa mga ari-arian ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Apollo Quiboloy at mga kapwa akusado nito.

Sa 48 pahinang resolusyon, sakop ng freeze order ang bank accounts, properties, sasakyan at maging aircraft na nakapangalan sa religious group at sa Swara Sug Media Corporation na nag-o-operate sa Sonshine Media Network International (SMNI).

Sa ngayon, nahaharap sa dalawang arrest warrants si Quiboloy kung saan ang isa ay inisyu ng Quezon City court at isa ay ipinalabas ng Pasig City court.


Ayon kay Remulla, malaking bagay ito sa gitna ng pang-iinsulto ni Quiboloy sa justice system ng bansa dahil sa kaniyang patuloy na pagtatago.

Sinabi pa ng kalihim na unang hakbang lang ang freeze order na para tuluyang makamit ang katotohanan at hustisya.

Facebook Comments