FREEZE | Pagtataas ng singil sa renta sa bahay, ipinahihinto muna ng isang kongresista

Manila, Philippines – Ipinapa-freeze muna ni Bagong Henerasyon Represetative Bernadette Herrera-Dy ang pagtataas sa singil sa renta sa bahay ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) para sa mga mahihirap na pamilya.

Umapela si Herrera-Dy na isaalang-alang ng HUDCC ang hirap na nararanasan ngayon ng mga Pilipino dahil sa mabigat na gastusin.

Pero kung di naman maiwasan na magtaas ng singil sa renta sa bahay, inirekomenda ng kongresista na hatiin ang singil upang hindi ito ganoon kabigat at tiyaking hindi ito lalabis.


Pinahahati ni Herrera-Dy sa tatlong tier ang rent bracket na may katumbas na mababang porsiyento ng umento sa renta.

Salig sa suhestiyon nito, ang rentang 4,000 kada buwan ay pwedeng taasan lamang ng hanggang 3%, samantalang 4% naman ang para sa higit 4,000 hanggang 10,000 na renta at 5% naman para sa higit 10,000 hanggang 20,000 kada buwan na renta.

Ang suhestyon ng mambabatas ay sa gitna ng pagtaas ng inflation rate, pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at pagbaba ng halaga ng piso kontra sa dolyar.

Facebook Comments