Nasabat ng mga tauhan ng Animal Quarantine Checkpoint sa Brgy. Bio, Tagudin, Ilocos Sur ang isang freezer van truck na may kargang 823 kilo ng frozen pork matapos na mabigong magpakita ng kaukulang shipping permit.
Kinilala ang driver ng sasakyan na isang 46-anyos na residente ng Barangay Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya, kasama ang dalawa nitong helper: isang 32-anyos mula Greenpark Villas 2, Malagasang, Imus City, Cavite at isang 34-anyos mula Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite.
Nahaharap ang tatlo sa kaso ng paglabag sa Animal Quarantine Ordinance dahil sa ilegal na pagpasok ng frozen pork sa probinsya.
Samantala, dinala na sa kustodiya ng Animal Quarantine Office ang nakumpiskang kargamento pati na ang tatlong suspek para sa nararapat na disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









