Dumating sa Philippine Navy headquarters kahapon ang Commanding General, Joint Forces in Asia-Pacific (ALPACI) Commander, French Armed Forces in French Polynesia na si Rear Adm. Jean-Mathieu Rey at French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz.
Ayon kay Commander Benjo Negranza, tagapagsalita ng Philippine Navy, binigyan ng arrival honors si Rear Admiral Mathieu Rey at dumalo rin sa aktibidad si Boccoz.
Sa pagbisita ay natalakay ang nakatakdang port call ng French Surveillance Frigate Vendémiaire o F734 sa Manila mula ngayong araw March 8 hanggang March 11, 2022.
Sinabi ni Negranza, ang gagawing port call ay bahagi ng French Navy’s deployment sa Asya na makakatulong para sa regional stability, pag-promote ng international rule of law at pagpapaganda pa ng samahan ng mga bansa sa Asya.
Naging highlights din ng pagbisita ang usapin patungkol sa maritime security, proteksyon sa natural resources sa dagat at iba pang mga posibleng future exercise engagement.
Nagpasalamat naman si Philippine Navy Flag Officer in Command, Vice Adm. Adeluis Bordado sa pagbisita nina Rear Adm. Jean-Mathieu Rey at Boccoz sa Philippine Navy,