Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Embahada ng France ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan kung saan sinabi nito na ang justice system sa France ay, ‘presumed guilty until proven innocent’.
Sa maiklng pahayag na inilabas ng Embahada, nakasaad dito na kagaya ng Pilipinas, ang judicial system ng France ay ituturing na inosente ang isang nasasakdal hanggang sa hatulan ito ng guilty.
Anila, kinikilala nila ang kahalagaan ng rule of law, due process at respeto para sa human rights sa lahat ng mga bansa kasama dito ang Pilipinas.
Matatandaang ginawa ng Pangulo ang pahayag makaraang maglabas ng saloobin sa Twitter si UN Rapporteur Agnes Callamard, na isa ring French citizen, kung saan muli nitong pinuna ang patayang nagaganap dahil sa kampaniya ng administrasyong Dutrete kontra iligal na droga.
Sinabi rin ni Callamard na dapat ay huli na si Kian Delos Santos sa mga mapapatay dahil sa laban ng pamahalaan kontra iligal na droga.