French national na nambiktima ng daan-daang mga batang Pinay sa sexual exploitation, nahaharap sa 25 taong pagkakakulong – DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na hinatulan ng 25 taong pagkaka-kulong ang isang French national na sangkot sa sexual exploitation ng mga batang Pilipino.

Ayon sa DOJ, si Bouhalem Bouchiba ang nag-uutos na gawin ang mga online sexual abuse sa mga menor de edad na Pilipino habang nandoon siya sa France.

Lumalabas na nila-livestream pa ang panghahalay sa daan-daang mga dalagita sa Pilipinas at siya ang nagbabayad sa dalawang babae na gumagawa nito sa mga batang nasa lima hanggang sampung taong gulang.


Sa ngayon, mas pinaigting din ng Department of Justice (DOJ) ang pakipagtutulungan sa iba’t ibang money services business at social media platforms upang matukoy at maiwasan na magamit sa pagpapadala ng pera na mula sa illegal child exploitation content.

Nakipag-uugnayan na rin ang DOJ sa iba pang ahensiya para mag-imbestiga sa kaso at mapanagot ang mga Pilipinong sangkot dito.

Muli namang hinikayat ng pamahalaan ang sinumang may nalalaman sa child exploitation na agad itong isumbong sa mga awtoridad.

Facebook Comments