
Tinalo ni Rafael Nadal si Dominic Thiem 6-4, 6-3, 6-2 para muling tanghaling kampeon ng French Open sa Roland Garros.
Nagawa ito ni Nadal kahit na nagkaroon siya ng injury sa kaniyang mga daliri sa kalagitnaan ng third set.
Pero kahit na may may iniinda, hindi pa rin hinayaan ni Nadal na makabalik sa laro ang 7th seed na si Thiem ng Austria.
Lumaban pa si Thiem sa first set kung saan muntik pa niyang masilat si Nadal sa 10th frame pero pagkatapos nito hindi na siya pinaporma ng tinaguriang King of Clay na si Nadal.
Ito ang ika-labing isang titulo ng world number 1 na si Nadal sa French Open ika-17 grand slam victory sa kaniyang career.
Facebook Comments









