Arestado ang isang dayuhang binansagang “French Spiderman” matapos akyatin ang isang gusali sa Makati City.
Hinuli si Alain Robert, 56 anyos matapos makababa mula sa tuktok ng G.T. International tower sa Ayala Avenue, Makati City.
Kilala ang dayuhan na si Robert sa kaniyang pag-akyat sa mga matataas na istruktura sa iba-ibang panig ng mundo gaya ng Eiffel tower sa France, Petronas towers sa Malaysia, at Empire state building sa New York.
Ayon kay Makati City Police Chief Senior Superintendent Roger Simon, umabot sa isang oras at kalahati ang ginawang pag-akyat ng French Spiderman sa 47 na palapag na gusali gamit lamang ang kanyang mga kamay at walang mga tali.
Mahaharap si Robert sa iba’t ibang reklamo gaya ng alarm and scandal at trespassing.
Facebook Comments