FRESH GRADUATE REPORT | Dalawa sa bawat sampung employer sa bansa, handang tumanggap ng mga K-to-12 graduates ayon sa jobstreet.com report

Manila, Philippines – Dalawa sa bawat sampung employer sa Pilipinas ang payag na tumanggap ng graduates sa ilalim ng K-to-12 program ng Department of Education (DepEd).

Sa 2018 fresh graduate report ng jobstreet.com, 24% ng mga employer sa bansa ang nagpahayag ng kahandaan na mag-hire ng K-to-12 graduates.

35% naman ang nagsabing hindi pa sila handang tumanggap ng mga nagtapos ng K-to-12 habang nasa 41% naman ang pinag-iisipan pa.


Ang mga industriya ng manufacturing, professional services, retail, machinery and equipment at Business Process Outsourcing (BPO) ang bukas na tumanggap ng mga magtatapos ng K-to-12.

Isinagawa ang survey mula October hanggang December 2017 at February 2018 sa 503 employers sa buong bansa.

Facebook Comments