Fresh Market on Wheels ng QC, maglilibot sa 13 barangay ngayong araw

Puntirya ngayong araw ng Fresh Market on Wheels ng Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) na ilapit ang kanilang produkto sa 13 barangay sa lungsod.

Kabilang sa mga lugar na iikutan ng Fresh Market on Wheels ay ang barangays Salvacion, St. Peter, Sto. Domingo, Talayan, NS Amoranto, Batasan Hills, Pansol, Loyola Heights, BL Crame, Sto. Nino, Immaculate Concepcion, Dona Josefa at Kaligayahan.

Ayon sa LGU, lahat ng agri-products ng market on wheels ay direktang kinukuha mula sa partners farmers sa lalawigan ng Pangasinan at may kababaan ang presyo kumpara sa mga pamilihan.


Huling dinayo ng Market on Wheels ang 16 na barangays sa lungsod.

Pinaalalahanan ang publiko na sundin ang social distancing at huwag kalimutan ang pagsuot ng facemask.

Base naman sa huling datos ng Department of Health (DOH) nasa 1,261 na ang COVID-19 confirmed cases sa Lungsod ng Quezon.

Nadagdagan pa ng 13 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit na ngayon ay abot na sa 155 ang kabuuang bilang.

125 na ang bilang ng mga namatay matapos madagdagan pa ng 7 iba pa.

Facebook Comments