Umaasa ang malakanyang sa tulong na maibibigay ng mga ‘fresh nursing graduate’ para maglingkod sa bansa.
Ito ay matapos ang pagbabanta ng ilang healthcare workers na magbibitiw sa trabaho dahil sa kabiguan ng pamahalaan na maibigay ang benepisyong nararapat para sa kanila.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nangangailagan ang bansa ng mas maraming healthcare worker kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Tiwalan naman si Roque na ang “surplus” sa nursing graduates na galing sa mga unibersidad ay makatutulong oras na ituloy ng mga healthcare workers ang kanilang banta.
Una nito, hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na iprayoridad ang pagpapalabas ng kompensasyon at iba pang benepisyo ng healthcare workers.