Kasabay ng selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng ating kalayaan ay binatikos ng Gabriela Women’s Party ang “friend to all” foreign policy ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Pangunahing kinastigo ng Gabriela ang tila pagsisilbi natin sa Amerika sa pamamagitan ng pahintulot na magtayo ito ng US military bases saanmang lugar sa bansa.
Ayon sa Gabriela, isang kabalintunaan na nangyayari ito habang pinapangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang pagtaas ng watawat ng ating bansa ngayong Independence Day kung saan niya inihayag na hindi tayo magiging sunud-sunuran sa alinmang bansa.
Pinuna din ng Gabriela na wala ding magawa ang gobyerno ni Marcos para mahinto ang patuloy na pag-aangkin ng China sa ating mga teritoryo.
Bunsod nito ay nanawagan ang Gabriela sa mga mamayang Pilipino na palakasin ang paninindigan para sa pagsusulong ng ating sobrennya, tunay na kalayaan at pag-iral ng mga polisiya na pabor sating bansa at ating kapakanan.