“Friendly” | Philippine Azkals, haharapin ang Fiji sa Marso 22

Manila, Philippines -Kinumpirma ngayon ng Philippine Football Federation ang international friendly o exhibition game sa pagitan ng Philippine Azkals at ng Fiji National Team sa Marso 22 sa Rizal Memorial Stadium.
Ayon sa PFF, magsisilbing preparasyon na rin ng Azkals ang tune-up game para sa napakahalagang laro nila kontra Tajikistan sa March 27 sa RMS.
Kailangan manalo o tumabla ng Azkals laban sa Tajikistan para matupad ang pangarap ng Pilipinas na makapasok sa unang pagkakataon sa Asian Cup na gaganapin sa United Arab Emirates sa 2019.

Facebook Comments