“FRIENDS LANG’ | Gretchen Ho, nagsalita na sa pag-uugnay sa kaniya sa abugadong unang na-link kay Kris Aquino

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ng TV host na si Gretchen Ho na walang namamagitan sa kanila ng abogadong unang nali-link kay Kris Aquino.

Say ni Gretchen, friends lang daw sila ni Atty. Gideon Peña at bukod dito wala ng iba pang namamagitan sa kanila.

Hindi na din idinetalye ni Gretchen kung kailan at saan sila nagsimulang maging magkaibigan basta at tigilan na lamang daw siya ng mga netizens ng katatanong tungkol sa nasabing abugado.


Samantala, sumagot din si Kris tungkol sa patuloy na pangungulit ng ilang netizens kay Atty. Peña na umaasang magkatuluyan ang dalawa.

Ayon kay Kris, masiyado na daw siyang matanda para i-link pa sa abugado gayung mas gusto niya ay kasing edad o mas matanda sa kaniya.

Sa huli, dagdag pa ni Kris, hayaan na lamang daw ang pribadong bbuhay ni Atty. Peña at huwag na daw itong kulitin pa sa nasabing isyu.

Facebook Comments