FRIGATE ACQUISITION PROGRAM | Defense Department, bukas sa imbestigasyon ng Senado

Manila, Philippines – Walang problema sa Department of National Defense (DND) ang plano ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon para sa umano’y maanomalyang pagbili ng Frigate.

Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, sa katunayan matagal na silang naghihintay para lamang makahanap ng oportunidad upang maipaliwanag ang kanilang panig sa isyu.

Naniniwala aniya silang sa pagkakataong ito ay masasabi na nila ang katotonahan sa isyung ito.


Matatandaang naging maingay ang isyu matapos sa umano’y pangingialam ni Special Assistant to the President and Chief of the Presidential Management Staff Secretary Bong Go sa Philippine Navy Frigate Acquisition Project na may pondong aabot sa 15.7 bilyong piso.

Facebook Comments