FRIGATE ACQUISITION PROGRAM | SAP Bong Go, na-set up lang daw

Manila, Philippines – Todo depensa sina Appropriations Chairman Karlo Nograles at Asst. Majority Leader Jericho Nograles kay Special Assistant to the President Bong Go na ngayon ay nadadawit sa panghihimasok umano sa Frigate Acquisition Program ng AFP.

Naniniwala ang magkapatid na kongresista na na-set up lamang si Go para siraan ang Duterte administration.

Anila, noon pa man ay pilit na pinapabagsak ang pamahalaang Duterte na siyang ikinabibigo naman ng mga detractors ng Pangulo at ngayon ay tinatarget ang taong pinakamalapit sa Presidente na si Go.


Duda ang mga kongresista sa kumakalat na white paper na mula umano kay Go dahil wala namang pirma dito ang Special Assistant to the President.

Ang masama pa anila, posibleng inakala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kay Go nga galing ang sulat na layong i-discredit talaga ang pamahalaan.

Kaduda-duda din umano ang timing sa paglalabas ng white paper dahil itinaon ito kung kailan mataas ang ratings ng Pangulo ay saka sadyang pinalutang ang isyu.

Facebook Comments