Manila, Philippines – Hindi magtatago si Special Assistant to the President Secretary Bong Go, matapos magpatawag ng imbestigasyon ang Senado sa alegasyon na nakialam ito sa Frigate deal ng Philippine Navy.
Ayon kay Go, dadalo siya sa pagdinig ng Senado dahil wala naman aniya siyang itinatago.
Ang imbestigayon ng Senado ay sa harap narin ng pahayag mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang kinalaman o hindi nanghimasok si Go sa transaksyon.
Maging si dating Navy Chief Vice Admiral Joseph Mercado ay sinabi na rin na hindi pinakialaman si Go sa issue.
Una nang tiniyak ni Go na siya ay magbibitiw sakaling mapatunayan na nakialam nga siya sa Frigate deal ayon sa Malacañang ay matagal nang done deal noon pang panahon ni dating pangulong Noy-Noy Aquino.