FRIGATE ACQUISITION PROJECT | Malacañang, hinimok ng kongresista na imbestigahan ang anomalya

Manila Philippines – Hiniling ni Magdalo Rep. Gary Alejano kay Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ng Malacañang ang maanomalyang Frigate Acquisition Project ng Philippine Navy kung saan nakakaladkad ang pangalan dito ni Special Assistant to the President Bong Go.

Nauna dito ay lumabas ang isang white paper kung saan nanghimasok umano sa P15.5 Billion Philippine Warship Acquisition si Go na siya namang unang itinanggi ng Secretary at maging ng AFP.

Sinabi ni Alejano na June 30, 2016 nang maupo bilang Presidente ng bansa si Duterte at October 24, 2016 naman nangyari ang contract signing sa pagitan ng Secretary ng National Defense at ng VP ng Hyundai Heavy Industries (HHI).


Dagdag ng kongresista, January 4, 2017 nang sumulat ang noo’y Flag Officer in Command Vice Adm. Ronald Joseph Mercado dahil sa kwestyunableng probisyon na nakapaloob sa HHI contract.
Dito na aniya nagsimula ang pangingialam ni Go sa warship project ng AFP.

Nakasaad din sa white paper na may utos mula sa tanggapan ni Go na pumunta ng Malacañang ang buong Project Management Team na pinamumunuan ng ngayoy FOIC Rear Admiral Robert Empedrad para i-lobby ang Hanhwa Naval Shield at isantabi ang planong pagbili ng warship ng Thale’s Tacticos na mas pinipili naman ng Phil. Navy.

Duda si Alejano na may kinalaman sa isyu si SAP Go kaya dapat siyasatin na rin ito ng palasyo at itigil ang pagdepensa at pagaabogado kay Go.

Malinaw aniya na sa ilalim ng Duterte administration ang naganap ang kontrobersyal na Frigate Acquisition Project at hindi sa nakaraang Aquino administration katulad ng sinasabi ni Go.

<#m_7322132735662142617_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments