FRIGATE ACQUISITION PROJECT | Winning bidder, mas dapat na imbestigahan – Kongresista

Manila, Philippines – Iginiit ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano na mayroong mas mabigat na rason para imbestigahan ang Hyundai Heavy Industries (HHI) na siyang winning bidder para sa Frigate Acquisition Project ng Philippine Navy.

Mababatid na nasangkot sa kontrobersiya ang subcontractor ng HHI na Hanhwa matapos na manghimasok umano si SAP Bong Go at ang Hanhwa ang piliin para sa Combat Management System o CMS taliwas sa gusto ng AFP.

Ayon kay Alejano, ipinagbawal na ng South Korea Supreme Court ang pakikilahok ng HHI sa mga bidding.


Napag-alaman na ang HHI ay sangkot sa bribery scandal noong 2013 kung saan hinatulan ng korte na guilty noong 2015 ang mga HHI executives matapos suhulan ang opisyal ng Korea Hydro and Nuclear Power Co. kapalit na magiging supplier ito ng reactors na ie-export naman sa UAE.

2 taon o hanggang 2019 ay ipinagbabawal ang HHI na makisali sa mga bidding sa South Korea at kasama ito sa listahan ng “improper” business entity.

Nababahala si Alejano na posibleng ganito rin ang maging sitwasyon sa frigate deal sa HHI kaya kinakailangan na maimbestigahan at mapanagot ang mga nasa likod nito kung sakaling mapatunayang may iregularidad nga dito.

Facebook Comments