Manila, Philippines – Nanindigan ang Palasyo ng Malacanang na pamumulitika lang ang ugat ng nakakasang imbestigasyon sa Frigate deal ng Philippine Navy kung saan idinadawit si Special Assistant to the Secretary President Bong Go.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang inaprubang Frigate deal na nagkakahalaga ng mahitgit 15 bilyong piso ay good to go na noon pang nagdaang administrasyong Aquino.
Kaya naman binigyang diin nito na imposibleng panghinasukan ni Go o ng Administrasyong Duterte ang nasabing transaksyon.
Malinaw aniya na malisyoso ang paratang na ibinabato laban kay Go.
Sinabi pa ni Andanar na magkakaalaman sa darating na Lunes at lalabas ang totoo sa gagawing imbestigasyon na isang malaking pagkakataon para patunayan ni Go na wala siyang kinalaman sa transaksyon at pulitika lamang ang ugat ng paratang dito.
Sinabi din ni Andanar na buo ang loob ni Go na dumalo sa pagdinig sa nasabing issue.