Manila, Philippines – Umarangkada na ang pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security kaugnay sa P15.5 billion-Frigate Acquisition Project (FAP) ng Philippine Navy kung saan isinasangkot si Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go.
Sa pagharap sa komite, binigyang diin ni Secretary Bong Go na resulta ng irresponsible journalism ang pagkaka-kaladkad ng kanyang pangalan sa kontrobersyal na frigate deal ng Philippine Navy.
Ayon kay Secretary Go, hindi dumaan sa tamang proseso ang pagbabalita ng Rappler at Philippine Daily Inquirer dahil hindi nila inalaman ang katotohanan bago nito inilabas ang kanilang mga artikulo.
Bunsod nito, nanawagan si Go sa komite na ipatawag sa susunod na pagdinig ang Rappler at Philippine Daily Inquirer.