FRIGATE DEAL | Pangulong Duterte, posibleng usisain ang gagawing pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Posibleng tunghayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalang ng kanyang Special Assistant na si Christopher ‘Bong’ Go sa pagdinig ng Senado sa susunod na linggo hinggil sa kontrobersyal na pagbili ng frigates para sa Philippine Navy.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque – maaring usisain ng Pangulo ang mga mangyayari sa senate hearing.

Sinabi rin ni Roque na suportado ng Pangulo si Go lalo’t siya na mismo ang naghikayat kay Go na sumipot sa pagdinig.


Una rito, tutol ang Pangulong Duterte sa anumang planong executive session ng Senado kung saan hindi isasapubliko ang mga nangyaring pagpupulong.

Facebook Comments