FRIGATE DEAL | SAP Bong Go, pinayagang dumalo ng Pangulo sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang special assistant na si Christopher ‘Bong’ Go na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pagbili ng 15.5 billion pesos na navy frigate.

Ayon kay Pangulong Duterte, pinahintulutan niya si Go para masagot ang mga inaakusa sa kanya.

Biro pa ng Pangulo, sinabihan niya si Go na gamitin ang pagkakataon para sa ‘publicity’ kung gusto nitong maging senador.


Hindi aniya kinakailangang magnakaw ni Go ng frigate kung mayroon na itong yate.

Una nang itinanggi ni Go na nangialam siya sa frigate deal.

Facebook Comments