FRIGATE DEAL | Secretary Bong Go, nalinis na ang pangalan sa senate investigation – Malacanang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na sa unang pagdinig palang Senado sa Frigate Deal ay napatunayan agad hindi ito pinakialaman ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa imbestigasyon ng Senado ay muling nilinis ni dating Flag Officer in Charge Vice Admiral Ronald Joseph Mercado ang pangalan ni Go na hindi aniya nakipagusap sa panya patungkol sa nasabing kontrata.
Kaya naman sinabi ni Roque na ang tanong na dapat masagot ngayon ay kung saan nakuha ng Rappler at ng Inquirer ang impormasyon na nakialam si Go sa Frigate Deal na malinaw aniyang Fake News.

Sinabi din ni Roque na maging si Senador Antonio Trillane IV ay wala ring mailabas na patunay para idiin si Go sa issue kung saan sinabi ni Roque na huwag gamitin ang opisina ng gobyerno para magpakalat ng maling impormasyon.


Facebook Comments