From Zero to Hero: Bagong Globe cell site nagbigay ng pag-asa sa Leyte barangay residents

Noong nakaraang taon, ang mga kampana ng simbahan at iba pang antigong pamamaraan ay ginamit pa rin sa Barangay Tabigue, Abuyog, Leyte upang alertuhin ang mga residente sa kung ano ang nangyayari sa komunidad.

Nasa  1,300 ng mga naninirahan sa barangay ang nakuntento sa buhay na halos walang teknolohiya, kung saan walang cell site sa kanilang lugar.

“Dati, in case may emergency, ginagamit naming pang-signal ang kampana.  ‘Pag mabilis ang tunog, ibig sabihin ay may aksidente o ‘di kaya ay may nangyari sa aming barangay,” kuwento ni Darrio Lleve, barangay captain ng Brgy. Tabigue, Abuyog, Leyte.


Sa pamamagitan ng massive network modernization at expansion program ng Globe, ang Brgy. Tabigue ay nagkaroon na rin sa wakas ng cell site na nagseserbisyo sa mga residente at sa mga dumadaang motorista. Nagkakaroon na ng komunikasyon ang mga residente sa isa’t isa gamit ang mobile devices.

Ang Globe cell tower ay lubhang kinakailangang imprastruktura, lalo na sa panahon ng pandemya kung kailan hindi makalabas ng bahay ang mga bata para magtungo sa eskuwelahan at kinakailangang sumubok ng ibang paraan ang mga magulang para buhayin ang kanilang pamilya.

May kasama itong 4G LTE, isang wireless technology na nagkakaloob sa mga user ng pinahusay na ‘bandwidth, latency, at capacity’.

“Nagustuhan nila ‘yung ginhawa lalo na ngayong COVID.  Nagagamit sa pag-aaral ng mga estudyante.  Ang mga tao rito, nag-o-online selling na rin dahil may malakas nang cell site dito,” dagdag pa niya.

“Mahirap bumalik sa unang panahon dahil hindi maganda at mahihirapan lang kami.”

Walang humpay ang Globe sa paghahatid ng #1stWorldNetwork sa lahat ng bahagi ng Pilipinas, kabilang ang mga liblib na lugar kung saan mahina o walang connectivity, tulad sa kaso ng Brgy. Tabigue.

“Technology is really a great equalizer. It can dramatically improve the quality of a person’s life. As a digital solutions company, Globe aims for every Filipino to have access to technology, especially the Internet.  We want to give them a chance to better themselves and open their world to new opportunities,” wika ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.

Sa misyon nitong maghatid ng #1stWorldNetwork connectivity sa mga Pilipino, pinalawak ng Globe ang pagtatayo ng mga bagong cell site ngayong taon.  Ang kompanya ay gumagamit ng 4G LTE at 5G wireless technologies para sa mas mabilis na pag-download at pag-upload, mas mataas na bandwidth, at mababang latency. Bukod dito ay nakumpleto ng Globe ang 82 in-building solutions o IBS para magkaloob ng dekalidad na indoor coverage sa mga customer para sa mas malakas na mobile signals.

Ang 5G outdoor coverage ng Globe sa National Capital Region ay umabot na sa 95% at nararanasan na sa mahigit 1,900 lugar sa bansa hanggang noong end-September. Tinutulungan ng Globe ang mga customer nito na lumipat sa  5G-enabled devices at nag-aalok ng libreng SIM 4G LTE/5G upang maranasan ng mga customer ang lakas ng bagong teknolohiya.

Panoorin ang buong istorya ng Barangay Tabigue, Abuyog, Leyte sa Globe BridgeCom on YouTube.

Facebook Comments