Ibinunyag ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na patuloy pa ring kumikilos ang front organizations ng CPP-NPA-NDF sa ibayong dagat para pabagsakin ang pamahalaan.
Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., ang International League of Peoples’ Struggle na itinatag ni CPP Founding Chair Jose Maria Sison noong 2001, ay nananatiling seryosong banta sa pambansang seguridad.
Ani Torres, kailangang palakasin ang international engagement ng pamahalaan para malantad ang mga aktibidad ng kwestyonableng dayuhang organisasyon na umano’y nagpopondo sa mga lokal na teroristang komunista.
Sa pamamagitan aniya nito ay magtutuloy-tuloy ang pagbuwag ng mga puwersa ng kilusang komunista at makakamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.