Frontliners at vulnerable sectors sa Marikina, prayoridad sa bakuna kontra COVID-19 – Mayor Marcy Teodoro

Photo Courtesy: Marikina City Council Information and Technology Center

Inihayag ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na hindi pa siya interesadong mabakunahan laban sa Coronavirus disease 2019 o COVID-19 dahil ang kanyang prayoridad pa sa ngayon ang mga frontliners at vulnerable sectors ng lungsod.

Matatandaan na nagpahayag ng kagustuhan na magboluntaryong magpabakuna noon si Mayor Teodoro pero hindi umano siya pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Department of Health (DOH) dahil uunahin muna ang mga frontliners at mga senior citizens.

Samantala, sina Mandaluyong City Mayor Carmelita “Mechie” Abalos ay wala pang schedule kung kailangan babakunahan habang si San Juan City Mayor Francis Zamora ay nagsabing mag-iisyu nalang siya media advisory kung kailangan siya magpababakuna dahil inaantay pa umano niya ang guidelines mula sa tanggapang ng DOH.


Wala namang tugon si Pasig City Mayor Vico Sotto kung kailan siya magpapabakuna laban sa COVID-19.

Una rito nabakunahan na kahapon Easter Sunday si Manila Mayor Isko Moreno na gawa ng China na Sinovac vaccine.

Facebook Comments