Frontliners na may edad 40 hanggang 59, ipaprayoridad sa vaccination kung limitado ang supply ng bakuna – Palasyo

Maaari nang mabakunahan laban sa COVID-19 ang mga economic frontliners ano pa man ang edad nito.

Pero ibang usapan ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque kung sakaling mahaharap ang bansa sa limitadong supply ng bakuna.

Ayon kay Roque, tatanggapin sa vaccination ang bawat economic frontliners.


Pero ipaprayoridad ang mga may edad 40 hanggang 59 sakaling magkaroon ng vaccine shortage.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakamit na ng bansa ang “major milestone” sa paglaban sa COVID-19 kasabay ng pag-arangkada ng pagbabakuna sa A4 group.

Facebook Comments