Frontliners ng Mandaluyong City na sumailalim sa mass testing, umabot na ng 511

Inihayag ng City Health Office (CHO) ng Mandaluyong na nasa 511 frontliners na ang sumailalim sa mass testing mula Abril 28 hanggang Mayo 1.

Ayon sa CHO, natapos na ang mass testing para sa lahat na mga frontliner mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), 92; at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), 41, sa lungsod.

Batay sa tala ng lungsod, may 237 health workers naman ay mula sa barangay health centers ang sumailalim na rin sa swabbing, kasama rito ang mga doctor, dentist, midwives, nurses, dental aid, Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Health Workers, drivers, utility workers at iba pa.


Pahayag pa ng Mandaluyong CHO, sinimulan na rin ang mass testing para naman sa lahat ng frontliners sa mga barangay na sa ngayon ay mayroon ng 141 napasama sa swabbing at inaasahan na matapos ang iba pa sa mga susunod na araw.

Ang Mandaluyong City ay mayroong 410 confirmed cases ng COVID-19, kung saan 36 na rito ang nasawi at 73 naman ang nakarekober na.

Facebook Comments