Frontliners ng PCG, binigyan ng libreng sakay sa eroplano ng AirAsia

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang espesyal na regalo na pinagkaloob sa kanilang frontliners ng AirAsia ngayong Pasko.

Partikular ang unlimited flight voucher na nagkakahalaga ng P4,999 na valid sa loob ng isang taon.

Kabilang sa mabibiyayaan ng nasabing regalo ang PCG officer, personnel o PCG Auxiliary member.


Ang kailangan lamang nilang gawin ay magtungo sa PCG National Headquarters, Port Area, Manila.

Facebook Comments