Nagnegatibo ang unang batch mula sa Datu Odin Sinsuat Municipality na sumailalim sa Rapid AntiBody Test.
Sinasabing negatibo ang resulta ng lahat ng 72 nagpatest na karamihan ay mga frontliners ayon pa kay Dra. Elizabeth Samama , Chief ng IPHO Maguindanao sa panayam ng DXMY. Sinasabing lahat ay nagnegatibo SARS-CoV-2 test ang mga ito dagdag pa ni Dra. Samama.
Matatandaang , isang pasyente mula DOS ang nagpositibo sa COVID 19 noong nakaraangbuwan ngunit ngayoy nakarekober na.
Kaugnay nito, ngayong araw, May 7, nakaschedule naman ang lahat ng mga naging malapit sa nagpositibong pasyente habang sa araw ng byernes ay gagawin ang random test sa DOS.
Nakatakda ring magsasagawa ng Rapid Test sa mga bayan ng Matanog at Parang.
Kabilang sa mga nagpagtest kahapon ay mga elemento ng DOS MPS na pinangunahan ni COP PMajor Romel Dela Vega na syang nangunguna sa pagpapatupad ng katiwasayan sa mga papasok at lalabas ng DOS bukod pa sa nagpapaabot ng tulong sa mga residenteng nasa Home Quarantine.