Tiniyak ng Bureau of Agriculture and Fisheries Standards ng Department of Agriculture (DA) na ligtas kainin ang mga frozen eggs.
Dahil dito, walang dapat ipangamba ang publiko kaugnay sa pagbili ng mga frozen eggs sa mga palengke.
Inirerekomenda ng DA na ilagay sa cold storage ang mga itlog upang mapahaba at mapaganda pa ang kalidad nito.
Posibleng abutin ng hanggang 12 buwan ang kalidad ng isang itlog kung nasa maayos na cold storage ang gagawing pag-iimbak.
Sa mga palengke, mas mabenta ngayon ang mga frozen egg dahil mas abot-kaya ito ng mga mamimili.
Facebook Comments