Fruit Vendor, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga!

Cauayan City, Isabela- Sinampahan na ng kasong may kinalaman sa iligal na droga ang isang fruit vendor na nasa DI List ng pulisya matapos mahuli sa buy-bust operation sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Elmer Domingo, 34 anyos, at residente ng Brgy. Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, dinakip ang suspek matapos nitong bentahan ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P1,000.


Kinumpiska kay Domingo ang buy-bust money na P1,000, cellphone na pinaniniwalaang ginagamit ng suspek sa iligal na transaksyon at isang motorsiklo na walang plaka.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng pulisya ang suspek para harapin ang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments