Maglalaan ng special permit at lugar para sa mga fruit vendor ang LGU Bayambang mula December 22,2025 hanggang January 2, 2026 dahil sa inaasahang dagsa ng mamimili ngayong holidays.
Ayon sa pahayag, magsisilbing pwesto ng mga manlalako ang parking area na dating kilala bilang Yellow Building.
Nais din isaayos ang operasyon ng mga fruit vendors sa merkado dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga mamimili sa darating sa kapaskuhan.
Kaugnay nito, upang maging patas sa pagpwesto, ipapatupad ang sistemang “first come, first serve” sa pagtatalaga ng mga manlalako.
Hinimok naman ng LGU ang publiko na bumisita sa tanggapan ng Special Economic Enterprises o magpadala ng mensahe sa kanilang opisyal na Facebook page kung may katanungan ukol sa permit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







