Fruitcake na higit 100 taon na ang tanda – natagpuan sa Antarctica

Panghimagas – Isang fruitcake na 106 na taon na ang tanda ang natagpuan sa Cape Adare, Antarctica.

Pinaniniwalaang pag-aari ng Bristish explorer na si Robert Falcon-Scott ang fruitcake na posibleng baon nito sa kanyang ekspedisyon sa Terra Nova noong 1910 hanggang 1913.

Kwento ng mga New Zeland-Based Trust Conservator, natagpuan nila ang fruitcake sa pinakamatandaang gusali sa Antarctica.


At kahit sobrang tagal na, sabi ng mga eksperto – “edible” o pwede pa itong kainin!

Matapos kasing tanggalin ang mga kalawang sa lalagyan ng tinapay, okey na okey pa raw ang amoy at itsura nito dahil na rin sa malamig na klima sa lugar.

Facebook Comments