FRUSTRATED MURDER | 19-anyos na no. 2 most wanted person, arestado sa loob ng kanilang paaralan sa Malabon City

Malabon City – Nadakip na ng pulisya ang isang 19-anyos na estudyante na no. 2 most wanted person sa Malabon City.

Dinakip ng mga pulis sa loob ng kanilang paaralan ang suspek na si Jimboy Nobleza isang senior high school student.

Nabatid na may kasong frustrated murder ang suspek kung saan mismong ang mga magulang ng kanyang kaeskwela ang nagsampa dahil sa naganap na rambol noong 2016.


Pero nagtago ang suspek sa probinsya nang halos dalawang taon at nang mabalitaang bumalik ito ay dito na siya dinakip ng mga pulis.

Facebook Comments