Kasabay ito ng isinagawang Training on Climate-Smart Farming System cum Enhanced Operations of Farm Equipment and Facilities for Farm Service Providers (FSPs) in Maguindanao na dinaluhan ng mga opisyales at miyembro ng Kapinpilan Farmer Producers’ Cooperative sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.
Sa naturang tagpo ay napaunlad ang kaalaman ng mga ito sa pagpapalay na akma sa pagbabago ng klima at nakatanggap pa ng mga makinarya bilang paunang suporta sa kanilang paninilbihan bilang farm service providers na kinabibilangan ng isang unit ng rice thresher na may makina at isang unit ng floating tiller o kuliglig at makina nito.
Ito ay suporta umano sa kanila at sa rice mechanization program ng DA sa ilalim ng administrasyon ni Secretary Emmanuel F. Piñol na suportado ni DAF-ARMM Regional Secretary Alexander G. Alonto, Jr.
Binigyang diin sa naturang aktibidad ang pagsasaalang-alang sa climate change sa lahat ng programa ng pamahalaan at ang pagkakaroon ng People’s Survival Fund o PSF kung saan pwedeng makakuha ng pondo para sa mga proyektong tumutugon sa hamon ng pagbabago ng klima.
FSPs sa Ampatuan, Maguindanao, nabiyayaan ng Farm Equipment and Facilities!
Facebook Comments