Iminungkahi ni Senator Christopher Bong Go na pag-aralan kaagad ang posibleng pagbigay ng fuel discounts or subsidy para sa mga strategic sectors natin, katulad ng public transport, food deliveries at iba pa.
Apela ito ni Go sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, lalo na sa Department of Energy (DOE), Department of Agriculture (DA) at Department of Transportation (DOT).
Paliwanag ni Go, sa pagbibigay ng discount o subsidy, mas mapapagaan natin ang bigat na dulot ng pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay Go, Maliban sa mga karaniwang commuters, makakatulong din ito sa pagkontrol sa posibleng pagtaas sa presyo ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan na nakasalalay sa mga biyahero mula sa mga producer papunta sa mga palengke at consumers.
Bukod dito ay suhestyon din ni Go na pag-aralan ang posibleng pag-amyenda sa kasalukuyang batas upang mapahintulutan ang pansamantalang suspensyon ng fuel excise tax sa panahong masyadong mataas ang presyo ng langis sa world market.