FUEL EXCISE TAX | Malakanyang, pinayuhan si Congressman Quimbo na idulog ang hirit nito na total lifting

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Palasyo ng Malacañang si Marikina Congressman Miro Quimbo na kausapin nalang ang Economic Managers ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa kanyang panukala na tanggalin nalang ng tuluyan ang pagpapataw ng excise tax sa langis.

Ayon kay Chief Presidential Spokesman at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang dapat ay lumapit si Quimbo sa mga economic managers at kumbinsihin ang mga ito dahil sila ang makapagbibigay rekomendayon kay Pangulong Duterte batay sa kanilang pagaaral sa isinusulong ni Quimbo.

Nabatid na sa ngayon ay pending parin sa kamara ang house biull number 8171 na naglalayong gawing Zero excise tax sa kerosene at Diesel.


Facebook Comments