FUEL SUBSIDY, NAIPAMAHAGI NA SA ILANG MANGINGISDA AT MAGSASAKA

Ipinamahagi na sa 579 na magsasaka mula sa limang bayan sa lalawigan ng Cagayan ang mga fuel discount cards na nagkakahalaga ng nasa 1.8 million pesos.

Ang mga bayan na ito ay kinabibilangan ng Tuguegarao City, Penablanca, Buguey, Camalaniugan at Gonzaga.

Bahagi ito ng nasa 16,811 na natukoy na benepisyaryo sa buong rehiyon na mga rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at mga benepisyaryo ng Mechanization Program ng DA.

Halagang P3,150 ang diskwento sa gasolina ang ipinagkaloob sa bawat benepisyaryo.

Naipamahagi na rin ang BFAR Region 02 ang fuel discount cards sa mga mangingisda sa lungsod ng Tuguegarao kung saan nasa 35 mangingisda na gumagamit ng bangkang de motor ang nabenepisyuhan.

Inaasahang sa susunod na mga linggo maipapamahagi na rin ang fuel discount cards ng iba pang natukoy na benepisyaryo sa Region 02.

Facebook Comments