
Nakahanda na rin ang Department of Agriculture (DA) na mamahagi ng fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda.
Ito’y sakaling magpatuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa tensyon sa Middle East.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, may nakahanda nang P100 milyong pondo ang DA para sa one-time fuel subsidy.
Sa ilalim ng guidelines, makatatanggap ng P5,000 ang bawat kwalipikadong magsasaka at P3,000 naman ang bawat mangingisda.
Malaki kasi ang magiging epekto ng mahal na gasolina sa kabuuang gastos sa produksyon sa sektor.
Sa ngayon, may higit 9,000 na magsasaka at 15,000 mangingisda ang kabilang sa inisyal na benepisyaryo ng DA.
Magagamit ang fuel subsidy card sa mga gasolinahan habang ang mga malalayong lugar ay bibigyan ng voucher para magamit ang fuel subsidy.
Samantala, magiging prayoridad umano sa ngayon ang mga hindi pa nakatatanggap ng fuel subsidy.










