Fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka, inaasahang maipamamahagi na sa susunod na linggo

Inaasahang maipamamahagi na sa susunod na linggo ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda.

Ito ay sa gitna ng sunod-sunod na oil price hike na nararanasan sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na isinasapinal na lamang ng pamahalaan ang guidelines para maipamahagi ito.


₱3,000 na one time fuel assistance ang matatanggap ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Ayon pa kay De Mesa, nasa ₱500 million ang nakalaang pondo para sa fuel subsidy ng agriculture sector sa ilalim ng 2025 national budget.

Facebook Comments