Fuel subsidy para sa mga mangingisda at magsasaka, ipapamahagi na ngayong araw

Nananawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga mangingisda na mayroong planong tumigil muna sa pangingisda dahil sa pagkalugi, na huwag itong ituloy.

Mayroon pa rin itong kinalaman sa magkakasunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na sisimulan na ngayong araw ng pamahalaan ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda.


Nasa Php3, 000 aniya ang matatanggap ng mga ito sa pamamagitan ng fuel discount card ng pamahalaan.

Sa kabuuan nasa, Php500 million ang pondo ng pamahalaan para rito.

Habang sa Abril naman, inaasahan ang second tranche ng fuel discount ng mga magsasaka at mangingisda, na nagkakahalaga ng Php600 million.

Dahil dito, umaasa ang kalihim na magpatuloy lamang ang mga mangingsida sa kanilang hanap-buhay, upang matiyak na rin ang supply ng isda sa bansa.

Facebook Comments